Home » Probinsya » Turismo, pangangalaga sa kalikasan, isusulong sa Taal Lake fluvial parade

Turismo, pangangalaga sa kalikasan, isusulong sa Taal Lake fluvial parade

LIPA CITY, Batangas – Inaasahang dadagsain ng mga turista ang apat na oras na fluvial parade ng Marian Peace Regatta sa Lawa ng Taal sa Setyembre 8, Sabado.

Ang parada sa lawa ay hudyat ng simula ng selebrasyon ng National Marian Pilgrimage sa Setyembre 12,
ayon kay Lipa Archdiocese Archbishop Ramon Arguelles.

Bukod sa pananalangin para sa kapayapaan, pamilya at buhay, hangad din ng Simbahang Katoliko na manalangin para sa kalikasan, na patuloy na nasisira.

Layunin ng pananalangin na mamulat ang tao sa mga kalamidad, na dulot ng pagsira sa kalikasan.

Layunin din ng “First Marian Peace Regatta A weekend of prayer, culture, heritage and eco-tourism” na maisulong ang turismo sa Batangas, kaya nakipag-ugnayan ang Simbahan sa pamahalaang panglalawigan, sa mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor para sa nasabing adhikain.

Mahigit 100 bangka ang inihanda ng 11 bayan na nakapaligid sa lawa, para sakyan ng mga lalahok sa prusisyon.

Bawat bangka ay nakarehistro sa Philippine Coast Guard (PCG) at kinakailangang nakasuot ng life vest ang edad 14 pataas na lalahok sa prusisyon.

Kasunod ng parada ang community mass sa San Nicolas, ang host town ng selebrasyon.

Magkakaroon din ng lantern display, synchronized fireworks at culturak presentation sa iba’t ibang bayan ng Batangas. – Lyka Manalo

Incoming search terms:

comments
Translate »


















Translate »