Home » Editoryal » BINABATI NATIN SI ASSOCIATE JUSTICE MARIA LOURDES P.A. SERENO SA KANYANG PAGKATALAGA BILANG BAGONG CHIEF JUSTICE NG SUPREME COURT OF THE PHILIPPINES

BINABATI NATIN SI ASSOCIATE JUSTICE MARIA LOURDES P.A. SERENO SA KANYANG PAGKATALAGA BILANG BAGONG CHIEF JUSTICE NG SUPREME COURT OF THE PHILIPPINES

Itinalaga ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang bagong chief justice ng Supreme Court (SC) of the Philippines na si Associate Justice Maria Lourdes Punzalan Aranal Sereno, ang ika-24 SC Chief Justice at unang babaeng mauupo sa pinakamataas na posisyon. Siya ang pumalit kay dating Chief Justice Renato C. Corona.

Isinilang noong Hulyo 2, 1960 sa Manila, nagtapos si Justice Sereno graduated nang may honors mula sa Kamuning Elementary School at sa Quezon City High School. Nag-aral siya bialng scholar para sa kanyang Bachelor of Arts in Economics sa Ateneo de Manila noong 1980 at Bachelor of Laws sa University of the Philippines (UP) College of Law, na nagtapos bilang Cum Laude at Class Valedictorian noong 1984. Pagkatapos ng graduation, umanib siya sa isa sa pinakamalalaking law firm sa bansa ngunit umalis noong 1986 upang magturo ng Civil Law, Negotiable Instruments Law, at International Trade Law sa the UP College of Law at sa the Philippine Judicial Academy. Noong 1993, nagtungo siya sa Ann Arbor, Michigan sa America para sa kanyang Master of Laws at the University of Michigan Law School bilang De Witte Fellow at Ford-Rockefeller scholar. Nang magbalik siya sa Pilipinas, itinalaga siya bialng legal counselor sa Appellate Body Secretariat ng World Trade Organization sa Geneva, Switzerland. Naglingkod siya sa faculty ng The Hague Academy of International Law sa Cambodia noong 2004.

Isa siya sa mga nagtatag ng Accesslaw, the korporasyon na nagkaloob ng unang electronic annotated search system sa Philippine Law. Sumulat siya ng tugnkol sa Judicial Reform para sa United Nations Developmet Program na naging basehan para sa programa na nagpapakilos ng unang dialogue sa pagitan ng SC members at representatives ng basic sectors. Napili siya na isa sa Ten Outstanding Women in the Nation’s Services (TOWNS) para sa law. Nang kapanayamin siya ng Judicial and Bar Council, aniya: “My leadership is to uphold the truth; it is to be exercised in favor of those who are weak; it is to uphold the rule of law in a way that shows no favoritism for the priviledged.“

Ikinasal si Justice Sereno kay Federation of Philippine Industries Internatioanl Trade Policy Committee Chairman Mario Jose E. Sereno. Mayroon silang dalawang anak, sina Maria Sophia at Jose Lorenzo.

Ang Manila Bulletin sa pangunguna ni Chairman of the Board Dr. Emilio T. Yap, President and Publisher Atty. Hermogenes P. Pobre, Executive Vice President Dr. Emilio C. Yap III, Editorin-Chief Dr. Cris J. Icban Jr., Business Editor Loreto D. Cabañes, at mga Opisyal, ay bumabati kay Associate Justice Maria Lourdes P.A. Sereno sa kanyang pagkatalaga bilang ika-24 Chief Justice ng Supreme Court of the Philippines. Hangad natin ang tagumpay ng kanyang mga pagsisikap. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese