Home » Editoryal » PAGDIRIWANG SA ‘NINOY AQUINO DAY’

PAGDIRIWANG SA ‘NINOY AQUINO DAY’

 

IPINAGDIRIWANG ngayon ang ika-29 na Anibersaryo ng pagpanaw ng martir na si Senador Benigno S. “Ninoy“ Aquino Jr., asawa ni dating Presidente Corazon C. Aquino, ika-11 at unang babaeng Pangulo ng Pilipinas, at ama ni Presidente Benigno S. Aquino III, ang ika-15 at kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas.

Idineklara ng Republic Act 9256 ang Agosto 21 ng bawat taon bilang Ninoy Aquino Day, isang special non-working holiday. Ang mga aktibidad sa buong bansa ay kinabibilangan ng pag-alay ng bulaklak sa bantayog ni Ninoy sa panulukan ng Roxas Boulevard at P. Burgos sa Intramuros; mga seremonya sa EDSA People Power Monument at sa NAIA tarmac, at mga programa sa mga komunidad ng Pilipino sa ibang bansa.

Isinilang sa Tarlac noong Nobyembre 27, 1932 kina Don Benigno S. Aquino Sr. at Doña Aurora A. Aquino, nagtapos si Ninoy ng high school sa San Beda College at nag-aral sa Ateneo de Manila para sa kursong Bachelor of Arts, sa edad na 17, siya ay naging pinakabatang correspondent ng Korean War. Sa kanyang tapang sa pamamahayag, ginawaran siya ng Philippine Legion of Honor ni Presidente Elpidio R. Quirino sa edad na 18.

Siya ay naging close adviser ni Defense Secretary Ramon F. Magsaysay sa edad na 21. Nag-aral siya ng abogasiya sa University of the Philippines upang ipursige ang kanyang karera sa pamamahayag. Noong 1954, itinalaga siya ni Presidente Ramon F. Magsaysay bilang emisaryo sa lider ng Hukbalahap na si Luis Taruc. Naging mayor siya ng Concepcion, Tarlac, noong 1955, sa edad na 22, at vice governor ng Tarlac sa edad na 27.

Pinangunahan ni “Ninoy“ ang oposisyon. Nang ideklara ang martial law, inaresto siya at gumugol ng pitong buwan sa piitan hanggang, noong 1979, pinahintulutan siyang tumungo ng United States of America para sa magpagamot. Bumalik siya sa Pilipinas noong 1983, sa kabila ng mga ulat ng pagbabanta sa kanyang buhay, ikinatwirang “The Filipino is worth dying for.“ Sa kanyang pagdating, binaril siya sa tarmac at ito ang naging mitsa ng mga protesta at demonstrasyon ng mamamayan na nagtapos sa People Power Revolution noong Pebrero 25, 1986.

Nakikiisa kami sa bansa sa paggunita ng Ninoy Aquino Day. Si “Ninoy“ ay bayani ng demokrasyo at ang kanyang pagmamamahal sa bansa, katapangan, sakripisyo at mapayapang pakikibaka para sa mga pagbabago ang patuloy na nagiging inspirasyon ng mga Pilipino at ng kanilang mga lider.

MALIGAYANG BATI AT MABUHAY!

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese