Home » PRANGKAHAN » Sino si Robredo sa Bicol?

Sino si Robredo sa Bicol?

 

ni Dindo M. Balares

HABANG sinusulat namin ito (kahapong tanghali) ay hindi pa rin nakikita sa crash site sa Masbate si Department of Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo.

Naroroon sina Pangulong Noynoy Aquino at Department of Transportation and Communications Mar Roxas para pamahalaan ang search and rescue operations.

Laman kahapon ng mga panalangin sa Misa sa mga simbahan at sa mga bahay sa Bicol, at ng lahat ng mga Bicolano saan mang dako ng mundo, ang kaligtasan ni Secretary Jesse. Tuluy-tuloy din ang mga novena para sa intercession ni Ina (Our Lady of Peñafrancia).

Maaaring nagtataka ang mga hindi nakakakilala kay Sec. Jesse kung bakit ganito ang epekto ng insidente sa mga Bicolano.

Si Jesse Robredo po ay dating mayor ng Naga City. Legendary ang leadership niya sa naturang siyudad.

Unang taon niya bilang mayor (estudyante pa ang kolumnistang ito sa Ateneo de Naga), madilim pa sa madaling-araw, pagkatapos ng bagyo ay siya ang nagisnan ng mga tao na nagpapala ng putik na iniwan ng baha sa plaza.

Nang mga sumunod na bagyo, alam na ng mga tao, kailangan nilang gumising nang maaga at lumabas ng bahay para maglinis. Para hindi nag-iisa sa kalsada ang kanilang alkalde.

Hayaan ninyo akong ibahagi sa inyo ang engkuwentro sa kanya ng ilang schoolmates ko na naging laman ng aking Facebook account kahapon:

Fer Basbas: “I covered the city hall beat when I was with a local paper. He was then completing three terms and was due to take a sabbatical. He gave me a long interview that was printed in full… right now, I’m trying to shake off images of the crash… hoping against hope. Good men were in that plane.

“It was a privilege, later, working with/for the man, at city hall. For now, prayers. Until we have definite information, we cling to hope. And we continue to pray. Naga City, and people in many places here and abroad, are one in prayer.“

Rex Imperial: “How can we not love and worry about Sec. Jesse’s safety, for he is the one who always cares first for the safety of his constituents. He didn’t consider himself a politician, but a genuine PUBLIC SERVANT. A humble man, a family man and real devotee of Ina. I hope and pray that he will be safe… at sana makasama pa siyang mag-voyador sa Traslacion.“

Vicvic Moralde-Barrameda: “Nasa me gate ako noon ng Ateneo naghihintay ng tricycle. Me tumigil sa harap ko, sa backride bumaba si Mayor Robredo. Ayaw sanang tanggapin ng driver ang bayad niya pero mapilit, keep the change pa. Later I found out he was one of the speakers for an activity at the gym. Kahit marami na akong naririnig na good deeds niya, from that day on, mas tumaas respeto ko sa kanya. Sana kaawaan tayo ni Ina, ipahiram niya pa. Hoping and praying….”

Kadalasan, wala namang paki ang entertainment journalists sa mga pulitiko. Pero last year, nakasabay namin sa eroplano si Sec. Jesse, hindi namin sinayang ang pagkakataon na makipagkuwentuhan magpakuha ng litrato kasama siya.

Laging alam ng showbiz writers kung may star o superstar sa paligid. Sec. Jesse is a bright star. Nakakahawa ang liwanag at pagiging mabuting tao niya.

Si Sec. Jesse ang uri ng leader na kinakailangan sa lahat ng barangay, bayan, siyudad, probinsiya ng ating bansa. Kulang lagi sa salita, dinadaan lahat sa gawa. Siya ang uri ng kababayang hinding-hindi mo ikakahiyang ipagmalaki.

Incoming search terms:

Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese