Home » Pagtanaw at Pananaw » WIKANG FILIPINO

WIKANG FILIPINO

 

Ngayon ang kaarawan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon, ang itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa. Siya ang nagsulong at nagproklama sa wikang Filipino bilang pambansang wika para sa lahat ng mamamayan ng Luzon, Visayas at Mindanao. Bilang pagpupugay sa kanya, gamitin natin ang Filipino, salitain ito kahit ang kausap mo ay isang Ingleserong Pinoy.

Sa kasagsagan ng kalamidad, dito nakikita ang kabayanihan, pagmamalasakit at tulong ng isang tao sa kanyang kapwa. Nasaksihan ito sa ilang araw na pag-ulan (hindi PAG-UULAN gaya ng bigkas ng ilang brodkaster) na naging sanhi ng pagbaha (hindi PAGBABAHA).

Isang kaibigang kolumnista ang sumulat na ang mga taong matulungin, mapagkawanggawa at nagbibigay ng pagkain at pera sa mga nangangailangan ay lalong sinusuwerte sa kanilang kabuhayan o negosyo. Binanggit niya ang mga bilyonaryong sina Henry Sy, Manny Pangilinan, Danding Cojuangco, Ayala Family, Ramon Ang, Lucio Tan at iba pa na pawang bukas-palad. Lalo silang sinusuwerte sa kanilang negosyo. Ganito rin ang situwasyon ni Dr. Emilio T. Yap, chairman ng Manila Bulletin, na laging handa at bukas-palad sa pagkakaloob ng tulong sa mga biktima ng kalamidad, baha, bagyo, lindol, sunog at iba pa.

Sa buwang ito, dalawang mahabang holiday weekend ang tatamasahin ng mga Pinoy na nasanay na sa ganito noong panahon ng “holidayconomics“ ni Ate Glo para pasiglahin ang turismo at bonding ng mga pamilya. Ang una ay Agosto 20, isang regular holiday bilang paggunita sa Eid `l Fitr o pista ng Ramadan. Ang Agosto 21 naman ay ika-29 anibersaryo ng kamatayan ni Sen. Ninoy Aquino.

Ang pangalawang long weekend ay Agosto 25 hanggang Agosto 27 (Lunes) na selebrasyon ng National Heroes’ Day. Sana ay ipagdiwang natin ito at hindi sa pamamagitan ng paglalakwatsa.

Kapag hindi nasugpo ang pag-iral ng smuggling sa Bureau of Customs at pandaraya sa pagbabayad ng buwis sa BIR at mga ahensiya ng pamahalaan, magiging inutil ang “Tuwid na Daan“ ni P-Noy at maging ang slogan niyang “Kung walang corrupt, walang mahirap.“

Isang Pinay ang nag-text sa akin kung totoo ang sinulat ko sa kolum na isang lalaking taga-Brooklyn, New York ang may MANOY na 9.5 inches pag “patay“ at 13.5 inches pag “galit.“ Iniisip ko, bakit kaya siya interesado rito?

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese