Home » PRANGKAHAN » Mikael Daez, leading man na

Mikael Daez, leading man na

 

Dindo M. Balares

CORRECTION please.

Nag-text kahapon si Ate Noi (Nora Calderon), heto: “Good morning, Dindo. Sorry, `di ko talaga alam kung sino ang nagpa-pack-up ng taping sa Tagaytay dahil may fan siyang namatay. Ikorek din kita na Grade B ang ibinigay ng CEB (Cinema Evaluation Board) sa The Reunion and Just One Summer. Ang binigyan nila ng Grade A ay ang Mga Mumunting Lihim ni Direk Joey Reyes na kasabay din nilang nirebyu nu’ng Tuesday.
Thanks.“

I stand corrected. Hay, nagso-short circuit na yata ang utak ko sa iba’t ibang impormasyon na naka-stock!

Sorry, hindi ko puwedeng pangalanan ang blind item sa sikat na aktres na nagpahintay ng mahigit limang oras sa taping sa Tagaytay at pagdating naman ay umiiyak na nagpa-pack-up dahil may fan daw siyang namatay.

Clue na lang ulit: Mahilig din siyang magpahintay ng napakatagal sa entertainment press tuwing may presscon. Resulta, inookray at nilalait siya kahit marami naman ang nagsasabi na mabait siya.

–ooOoo
Bida na si Mikael Daez.

Mapapanood simula sa September 3 ang remake ng Sana Ay Ikaw Na Nga na unang pinagbidahan nina Dingdong Dantes at Tanya Garcia ten years ago sa GMA-7.

Magsisilbing first major break ni Mikael ang GMA afternoon drama kasama ang newcomer na si Andrea Torres.

Si Mikael, scion ng may-ari ng Fullybooked, tapos ng Business Management sa Ateneo de Manila ay part-time print/commercial model. Una siyang napansin sa Amaya at napanood din sa My Beloved.

Tumakbo ng dalawang taon ang unang version na ayon sa program manager na si Hazel Abonita ay paiikliin nila sa isang season.

“Kaya compact na compact ang istorya nito,“ sabi ni Hazel nang mainterbyu namin earlier this week.

Ang mga produksiyon ni Hazel sa afternoon slots ang nananatiling winners ng GMA-7. Tiniyak niya na winner din ang bagong Sana Ay Ikaw Na Nga.

–ooOoo
Kung book lovers kayo, super sale ngayon ang National Bookstore. Nagtungo ako sa National Bookstore Cubao, para akong nakatuklas ng mina ng ginto sa sobrang ibinaba ng mga libro nila.

May hardcover ng biography ni John Lennon at business/management books akong nabili na dating P1,800 ang presyo na tig-P150 na lang! Hayun, naubos tuloy ang dala-dala kong pera.
Pamasahe na lang ang natira! E, bakit? Ang sarap magbasa, ha!

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese