Home » Pagtanaw at Pananaw » IT’S MORE FUN IN BAHA

IT’S MORE FUN IN BAHA

Sa may baha man o wala, may RH Bill o wala, itinuloy ang kasal ng magkasintahan na sina Ramoncito Campo at Hernelie sa kabila ng pananalasa ng hanging habagat sa Metro Manila at maraming sulok ng Pilipinas noong nakaraang linggo. Sa larawang inilathala ng Manila Bulletin noong Martes, kitang-kita ang naghahalikang bagong kasal, basa sa baha ang pantalon ni Ramoncito at trahe de boda ni Hernelie habang nakapayong sa gitna ng ulan at sa paligid nila ay nagkakasiyahan at nagtatawanan sa galak ang mga batang nakasaksi sa kanilang pagmamahalan.

Iyan ang pag-ibig Philippinestyle, umulan man o umaraw, bumaha man o hindi, tuloy ang sumpaan! Talaga nga naman, only in the Philippines. It’s more fun in the Philippines! It’s more fun in baha!

Nagpaabot ng simpatiya si Pope Benedict XVI sa kasawiang-palad ng mga Pinoy sanhi ng patuloy na ulan at baha sa maraming lugar sa Metro Manila at mga lalawigan na kumitil ng mga buhay, puminsala sa mga ari-arian, pananim, sumuspinde sa mga klase at trabaho. Salamat Mahal na Papa sa iyong pakikisimpatiya sa sambayanang Pilipino. Sana naman Pope Benedict XV1, ipanalangin mong magkasundo ang mga mambabatas at Simbahang Katoliko sa kanilang hindi matapus-tapos na hidwaan sa Reproductive Health Bill. Sana ay maliwanagan ang kanilang kaisipan kung kailangan nga ba o hindi ang panukalang ito ng magkabilang panig na ang layunin ay parehong para sa kalusugan, kabutihan at kagalingan ng pamilyang Pilipino.

Habang sinusulat ko ito, naglabas na ang Judicial Bar Council (JBC) ng listahan ng walong kandidato na pagpipilian ni Pangulong Noynoy Aquino bilang bagong Chief Justice ng Supreme Court kapalit ng pinatalsik na si Renato Corona. Nanguna si Acting Chief Justice Antonio Carpio sa listahan ng SC. Naitsa-puwera ang diumano ay paborito ng Malakanyang na si DOJ Sec. Leila de Lima. Ang iba pang kasama sa SC list ay sina Justices Roberto Abad, Arturo Brion, Lourdes Sereno, Teresita Leonardode Castro, Solicitor General Francis Jardeleza, ex-Rep. Ronaldo Zamora, at Ateneo law dean Cesar Villanueva.

Sino kaya ang hihirangin ni PNoy. Umaasa ang mga mamamayan na ang magiging bagong Punong Mahistrado ay hindi magiging “tuta“ o sunud-sunuran sa kagustuhan ng Malacanang! Sawa na ang mga tao sa mga “tuta“ sa pamahalaan!

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese