Home » Probinsya » Baha, napigilan

Baha, napigilan

DAGUPAN CITY, Philippines – Naiwasan ang pagbubuwis ng buhay at mas matinding pinsala sa kabuhayan sa ikaapat na distrito ng Pangasinan makaraang makumpleto agad ang konstruksiyon ng P35-million na flood control project na Spur Dike at Protective Slope.

Kasabay ng pasasalamat ni Pangasinan 4th District Rep. Gina de Venecia sa pagkumpleto sa nasabing flood control project bago ang tag-ulan, nanawagan ang kongresista sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na bilisan din ang pagkumpleto sa iba pa niyang proyekto kontra baha, partikular sa Bonuan Gueset sa Dagupan City, Arellano-Bani, Mayombo, Tapuac, Lucao, at Jose de Venecia Highway. – Liezle Basa Iñigo

comments


















Translate »