Home » Caritas » KALAMIDAD

KALAMIDAD

Nakasanayan nating magsabi ng “bahala na“. Mahilig tayo maniwala sa swerte o malas. Kaya kapag usaping disaster risk management, parang laging bago ito sa atin. Ang disaster risk management ay hindi naghihintay ng delubyo. Naghahanda ito para sa kahit anumang kalamidad. Karamihan din sa atin, inaasa lamang sa pamahalaan ang disaster risk management. Sinasabi natin na bahala na ang gobyerno kung paano sasagipin ang mga tao sa panahon ng gipitan. Kaya nga ilang trahedya ang nagdaan sa ating bayan ang mas lumaki ang pinsala dahil na rin sa kakulangan natin sa paghahanda. Sa Caritas Manila, ang programa para sa Disaster Management ay tinaguriang Caritas Damayan at ang slogan nito ay “Daig ng MAAGAP ang…sakuna!“

Ayon nga sa Metro Manila Earthquake Vulnerability Assessment, hindi masyadong handa ang mga Pilipino, lalo na kung magkaroon ng malakas na lindol. Kulang ang ating mga disaster management systems, at kapag nagkaroon ng 7.2 magnitude earthquake, maaring masira ang 38 percent ng mga tahahan, at one-third ng mga public buildings. Kaya po kaya natin harapin ito kung sakali mang mangyari nga ito?

Dapat maunawaan nating lahat na ang disaster risk management ay nagsisimula sa ating tahanan. Ilang beses na po nating nakita ang ilang mga pamilyang na-trap sa gitna ng rumagasang baha dahil tumanggi silang lumikas ng may panahon pa? Ilang beses na rin po nating narinig na natabunan ng lupa ang bahay dahil mas piniling tumira ng mga residente sa lugar kung saan lagi nagkaroon ng landslide?

Mga kapanalig, lahat po tayo ay may responsibilidad, sa ating sarili, sa ating pamilya at sa ating lipunan.
Lahat po tayo ay may bahaging dapat gampanan pagdating sa isyu ng disaster risk management.

Patuloy pong nanawagan at kumakatok sa inyong mga puso ang Caritas Manila para sa inyong mga pinansiyal na donasyon para sa mga biktima ng malawakang pagbaha sa Metro Manila at sa mga karatig na probinsiya. Pwede po kayong magdonate sa internet sa http://www.caritasmanila.org.ph o diretso sa bangko nationwide sa BDO Caritas Manila Savings Account No. 560045905 o BPI Savings Account No. 30635357-01 o UnionBank Current Account No. 00-030-001227-5.

Incoming search terms:

comments


















Translate »