Aabot sa 1.76 milyong batang illegal immigrant ang maaaring ma-qualify para sa temporary legal status sa ilalim ng deferred action program ni United States President Barrack Obama, ayon sa isang ulat mula sa Migration Policy Institute. Ito ay mahigit doble sa naunang tinaya ng administrasyong Obama na 800,000 kataong makikinabang sa programa.
Ang bagong bilang ay sumasalamin sa updated guidelines na inilabas noong Biyernes ng administrasyon sa kung sino ang pasok sa temporary legal status. Noong una, tanging illegal immigrant na nasa 30 pababa na pumasok sa bansa nang sila ay mga bata pa, nagtapos sa high school at hindi nagkaroon ng criminal record ang qualified. Ngayon, pati ang mga hindi graduate o nakatanggap ng kanilang G.E.D. ay makaa-apply na rin para sa legal status basta sila ay nakatala sa high school.
Sisimulan ng gobyerno ang pagtanggap ng aplikasyon sa online sa Agosto 15. – Yahoo News

