Home » Daigdig » Syria at Iraq: Kapalarang nagkabaligtad

Syria at Iraq: Kapalarang nagkabaligtad

BAGHDAD (AP) – Halos 22,300 Iraqi na tumakas patungong Syria ilang taon na ang nakaraan ang naguuwian nitong nakalipas na tatlong linggo, sinabi ng mga opisyal ng United Nations sa Baghdad noong Martes, naghahada ng mas marami pang refugee na tatakas sa tumitinding civil war sa Syria.

Kasama sa pagbabalik ng mga Iraqi ang may 3,600 Syrian na tumawid patungong Iraq simula Hulyo 23, nang inanunsiyo ng Baghdad na binubuksan nito ang mga hangganan nito sa kanluran para sa mga refugee.
Ang mga Syrian ay pinatitigil malapit sa hangganan, at nagrereklamo na ang ilan.

Ang pagdagsa ay kumakatawan sa pagbaligtad ng sitwasyon mula sa madudugong taon kasunod ng 2003 U.S.-led invasion ng Iraq, nang tumawid ang maraming Iraqi refugee sa Syria.

Mahigit 1 milyong Iraqi ang nagtungo sa Syria para matakasan ang malawakang digmaan ng mga sekta noong 2005 hanggang 2007. Nagsimula silang mag-uwian nang simula Hulyo 17 nang hinimok ng Iraq ang kanyang mamamayan na magbalikbayan upang maiwasan ang gulo sa Syria.

Noong Hulyo 23, binuksan ni Iraqi Prime Minister Nouri al-Maliki ang hangganan sa kanluran ng kanyang bansa para sa Syrian refugees.

Mahigit 200,000 Syrians ang tumakas sa mga katabing Turkey, Lebanon at Jordan.

Incoming search terms: