Home » Probinsya » Hustisya, hiling para sa OFW

Hustisya, hiling para sa OFW

ROXAS CITY, Capiz – Isang overseas Filipino worker (OFW) sa Jordan ang sinasabing nagpaparamdam sa kanyang pamilya at humihingi umano ng hustisya kaugnay ng kanyang pagkamatay.

Nauna nang iniulat ng pulisya sa Jordan ang umano’y pagpapatiwakal ni Marcelina Gibaliga, tubong Capiz, nang uminom ng maraming gamot na nagbunsod ng overdose.

Ayon kay Elizabeth Castro, kapatid ni Gibaliga, laging napapanaginipan ng mga miyembro ng pamilya Gibaliga ang namayapang OFW at sa panaginip ay humihingi umano ito ng hustisya.

“Hindi kami naniniwalang nagpakamatay ang aking kapatid, dahil nung iuwi siya sa bansa ay maga ang labi niya at may sugat sa kanang kamay,“ sabi ni Castro.

Naniniwala ang pamilya na pinainom ng muriatic acid si Gibaliga kaya ito namatay. – Jun N. Aguirre

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese