Home » Showbiz atbp. » Fans ni Kim, walang sawa sa kapapanood ng ‘The Healing’

Fans ni Kim, walang sawa sa kapapanood ng ‘The Healing’

NAKAKABILIB ang fans ni Kim Chiu sa labis-labis na suportang ibinigay sa pelikulang The Healing.

Kim ChiuImagine, nakawalong block screening na sila ng naturang pelikula. Last Monday ay nagpablock screening na naman sila sa 410-seater ng Trinoma Cinema 5, invited ang Vilmanians.

Hindi nila alintana ang super lakas na ulan at baha sa Kamaynilaan. Punumpuno pa rin ng mga nagmamahal kina Ate Vi at Kim ang Trinoma 5.

E, kahit ilang beses na yatang napanood ng mga ito ang naturang suspense thriller movie ay tinitilian at palakpakan pa rin nila, huh!

R-13 version ng The Healing ang ipinalabas sa block screening last Monday, and in fairness ay konti lang ang tinanggal na mga bayolenteng eksena kumpara sa R-18 na pinanood din namin sa unang pa-block screening ng Vilmanians.

Present pa rin si Kim Chiu sa block screening nitong Lunes. Bumati, nagpasalamat sa mga manonood, at nagpakuha ng photos sa kanila. Tinapos pa rin ni Kim ang pelikula.

Bilib na bilib si Kim sa staying power ng The Healing. On its second week kasi, sa kabila ng masamang panahon ay more than 120 million pesos na ang kinita ng pelikula. Kaya raw tuwang-tuwa ang mga tagaStar Cinema.

Imagine, sa kasaysayan ng showbiz ay bibihira na ang pelikulang may R-18 na kumita ng ganu’n kalaki.
Kaya nga ang sabi sa amin ni Bossing Roxy Liquigan, masasabing isang super duper blockbuster ang The Healing.

And come to think of it si Ate Vi lang yata ang may record among sa female stars na at the age of 59 ay nakapagtala pa rin ng ganitong kita sa takilya. –Jimi Escala