Home » Pahina Siyete » AGOSTO, ANG BUWAN NG WIKA

AGOSTO, ANG BUWAN NG WIKA

 

SINIMULAN na nitong unang araw ng Agosto ang taunang pagdiriwang ng BUWAN NG WIKA.
Pagdiriwang na ang naglalayong patuloy na mapalaganap at mapaunlad ang wikang instrumento sa pagkakaunawaan, pagkakaisa at pagkakasundo. Ayon kay Commissioner Joe Lad Santos, ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ang pagdiriwang ngayong 2012 ng Buwan ng Wika ay nakasentro sa paksa o temang “Tatag ng Wikang Filipino: Lakas sa Pagka-Pilipino“

Ang pagpapahalaga at pagdiriwang noon sa wika ay isang linggo lamang -tinatawag na Linggo ng Wika. Ang selebrasyon ay batay sa Presidential Proclamation No. 186 noong Setyembre 23, 1955 na nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay. Nagsisimula ng Agosto 13 at natatapos ng ika-19 ng Agosto na kaarawan ng Panglong Manuel L. Quezon, ang kinikilalang Ama ng Wikang Pambansa. Ayon sa Pangulong Magsaysay sa isang bahagi ng kanyang proklamasyon, ang tunay na nalalabi sa atin ay ang magkaisa sa pagpapalaganap at pagpapayaman ng wika. Kung gaano natin kailangan ang Ingles sa pakikipag-unawaan sa ibang bansa, ibayo ang sariling wika upang tayong mga Pilipino ay ganap na magkaunawaan at magkaisa tungo sa ikatatatag ng sarili at ikadadakila ng ating Inang Bayan.

Nang sumapit ang panahon ni Pangulong Fidel V. Ramos, tulak ng pagka-makabayan at pagpapahalaga sa sariling wika, noong Hulyo 15, 1997, nilagdaan niya ang Proclamation No 104 na nag-aatas na ang Agosto ay BUWAN NG WIKA at NASYONALISMO. Ipinagpatuloy ng Pangulong Joseph Estrada ang paggamit at pagpapalaganap ng wikang Filipino. Mula sa kanyang panunumpa sa tungkulin at talumpati bilang Pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 30, 1998 sa makasaysayang simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan hanggang sa pagtatalumpati sa iba’t ibang pagkakataon. Gayundin ang sumunod sa kanyang si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at hanggang ngayon kay Pangulong Benigno S. Aquino III, ay hindi nagkulang sa pagpapahalaga at paggamit ng sariling wika. sa kanyang State-of-the-Nation Address (SONA).

Ang wika ay kaluluwa ng bansa. Hindi lamang ito nagsisilbing medium o paran ng komunikasyon kundi tumatayo rin bilang pangunahing mekanismo na sa pamamagitan nito, ang landas sa buhay ng mga mamamayan ng isang bansa ay napananatili.

Incoming search terms:

Translate »
AfrikaansArabicBulgarianAfrikaansChinese (Simplified)Chinese (Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreaLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianvietnamese
AfrikaansArabicBulgarianAfrikaansChinese (Simplified)Chinese (Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreaLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianvietnamese