Home » Balita » Pautang sa estudyante pang-edukasyon

Pautang sa estudyante pang-edukasyon

 

Nais ni Camarines Sur Rep. Diosdado Macapagal-Arroyo na aprubahan ang panukalang batas na magtatatag sa isang National Student Loan Board na magkakaloob ng tulong na pondo para makapag-aral sa kolehiyo ang mahihirap ngunit karapat-dapat na estudyante.

Layunin ng panukala (National Student Loan Program for the Poor Act of 2011) na pondohan ang pag-aaral ng mahuhusay at matatalinong estudyante.

Ang programa ay ilalagay sa ilalim ng Office of the President, at sa koordinasyon sa Department of Education (DepEd) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sinabi ni Arroyo na talagang kailangang magkaroon ng isang national student loan board dahil sa talamak ang kahirapan sa bansa at mailap ang oportunidad sa mahihirap para makapag-aral sa kolehiyo at unibersidad.

“In the country, a little over 11 percent of the labor force has a college education. Moreover, in our college-age population, less than 50 percent are enrolled in tertiary educational institutions and about 70 percent live below the poverty line,” ani Arroyo.

Sinabi naman ni Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, co-author ng panukala, na ang pagkakaloob ng pondo para sa mahihirap na estudyante ay magbibigay sa kanila ng pagkakataon upang makapag-aral at magtamo ng magandang trabaho sa hinaharap. – Bert de Guzman

Incoming search terms:

Translate »
AfrikaansArabicBulgarianAfrikaansChinese (Simplified)Chinese (Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreaLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianvietnamese
AfrikaansArabicBulgarianAfrikaansChinese (Simplified)Chinese (Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreaLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianvietnamese