Home » Showbiz atbp. » Yael, masunuring boyfriend ni Karylle

Yael, masunuring boyfriend ni Karylle

SOBRANG sobrang daldal pala ni Yael Yuson, ang boyfriend ni Karylle. Nakita namin sa CCP ang dalawa na nanood din ng Bwakaw at ipinakilala kami ni Karylle sa maliit na mamang bokalista ng Spongecola.

Nu’ng una ay patingin-tingin lang sa amin nina Katotong Pilar Mateo at Kristina Orfiano si Yael at nang banggitin ni Karylle na “sungit“ ang tawag namin sa kanya (dahil nga parating nakasimangot) ay biglang ngumiti nang ngumiti.

At bigla na kaming tinanong kung nagustuhan namin ang Bwakaw. First time raw niyang makapanood ng ganitong pelikula at dahil first time rin niyang magkaroon ng alagang aso na yayakapin daw niya pag-uwi ng bahay.

Hanggang sa kami na ang ini-interview ni Yael tungkol sa aso at kung nakailang alagang aso na kami, anu-anong breed, at kung anu-ano pa.

Maraming nagpapa-picture kay Karylle kaya hindi na niya nasundan ang usapan naming boyfriend niya, hanggang sa may mga katsikahan na ring iba ang dalaga at nagpaalam siya kay Yael na may kakausapin.

Napansin namin, Bossing DMB, mukhang masunurin na boyfriend si Yael dahil magalang siyang nagpaalam sa amin para sundan si Karylle.

Naalala tuloy namin ang sinulat namin nang makita naming namimili sa Eastwood City ang dalaga at ang bokalista ang tagabitbit ng lahat ng mga pinamili pati na ang shoulder bag ni Karylle -na ang palusot ng dalaga ay, “Matulungin lang siya, kaya bitbit niya mga dala ko.“

Anyway, okay naman si Yael dahil nag-reach out siya sa press na sinabihan siyang masungit at na-appreciate namin iyon. Kaya lang naloka talaga kami.

Ang tanong lang namin kay yael, nagre-reach out din kaya siya sa mga taong nakapaligid kay Karylle? – Reggee Bonoan

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese