Home » Showbiz atbp. » Mansiyon ni Sharon, for sale

Mansiyon ni Sharon, for sale

Ni Jimi C. Escala

Sharon Cuneta FOR sale ang mansiyon ni Sharon Cuneta sa Alabang. Mismong ang megastar ang nag-anunsiyo nito at kailangan daw na madispatsa niya.

Mukhang may isyung namamagitan kay Sharon at sa mga kapatid niya. Ayon sa isang source namin, noon pa raw pinoproblema ni Sharon ang ilang property na hinahabol daw sa kanya ng kanyang mga kamag-anak.

Sa Twitter account ni Sharon ay panay na naman ang pag-i-emote ng megastar at hindi makakaila na talagang may isyu nga sa pamilya Cuneta. Hindi pa rin daw kasi tumigil sa paggawa ng isyu ang isa sa kamag-anak ni Ate Shawie.

May mga nagmalasakit naman sa megastar na nag-aalala sa tuwing nag-i–emote si Ate Shawie sa kanyang Twitter account. Hindi raw talaga kayang kontrolin ni Sharon ang galit sa kanyang mga mensahe sa Twitter.

comments


















Translate »