Home » Editoryal » PRESIDENTE BENIGNO S. AQUINO III STATE OF THE NATION ADDRESS

PRESIDENTE BENIGNO S. AQUINO III STATE OF THE NATION ADDRESS

 

IBIBIGAY ni Presidente Benigno S. Aquino III ang kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) eksaktong 4:00 ng hapon ngayong araw, Hulyo 23, 2012, bago ang joint session ng Senado ng Pilipinas at ng Kamara de Representante upang buksan ang Third Regular Session ng ika-15 Kongreso, sa Batasan Complex sa Quezon City.

Ang SONA ay ibinibigay tuwing ikaapat na Lunes ng Hulyo. Ito ay isang pinakaabangang tagpo, sa pagtitimbang ng publiko sa mga sitwasyon sa maraming mukha ng buhay sa Pilipinas -sa ekonomiya, turismo, paggawa, edukasyon, kalusugan, at politika, at iba pa. Ang ikatlong SONA ni Presidente Aquino ang magiging ika-73 SONA sa kasaysayan ng bansa, at ang ika-26 sa Fifth Republic.

Inaasahang iuulat ni Presidente Aquino ang programs of action at mga natamo ng kanyang Administrasyon, lalo na ang mga reporma upang maitaas ang kalidad ng edukasyon gaya ng pagsisimula ng implementasyon ngayong school year ng Kindergarten Plus 12 (K+12) program at mother-tongue based education, ang pagdagsa ng mga turista, reporma sa militar at pulisya, mga hakbang sa ilalim ng programang Conditional Cash Transfer, ayuda sa mga overseas Filipino workers, pabahay para sa masa, ang National Greening Program, at proteksiyon sa kalikasan. Siya rin ay inaasahang tatalakayin ang mga pangunahing hakbangin ng kanyang Administrasyon na isusumite sa Kongreso para sa lehislasyon. Maaaring mag-uulat din siya sa paglago ng ekonomiya na inilarawang “at a dynamic pace“, malaking pagtaas sa credit ratings at confidence level, ang mga nangungunang indikasyon ng paglago.

Interesante ang ebolusyon ng SONA, mula sa panahon ng Katipunan, nang ibigay ni Gat Andres D. Bonifacio ang kanyang “State of Katipunan Address“ (SOKA) noong Marso 22, 1897, sa harap ng mga delegado ng Tejeros Convention, hanggang sa State of Revolutionary Nation Address (SORNA) ni General Emilio F. Aguinaldo sa Malolos Congress noong Setyembre 15, 1898 sa American Era, sa panahon ng Commonwealth, sa Third Philippine Republic, hanggang sa ulat ng mga sumunod na presidente, hanggang sa pagpapanumbalik ng Kongreso noong 1987, ang mga lider ng bansa ay nagbibigay ng kanilang taunang ulat sa State of the Nation.

Ang Manila Bulletin, sa pamumuno ng aming Chairman of the Board Dr. Emilio T. Yap, President and Publisher Atty. Hermogenes P. Pobre, Executive Vice President Dr. Emilio C. Yap III, Editor-in-Chief Dr. Cris Icban Jr., Business Editor Loreto D. Cabañes at mga Opisyal, ay hangad para sa mga Opisayal ng Republika ng Pilipinas, sa pamumuno ni H. E. Presidente Benigno S. Aquino III, Bise Presidente Jejomar C. Binay, Senate President Juan Ponce Enrile, Speaker of the House of Representatives Feliciano R. Belmonte Jr., at Chief Justice Antonio T. Carpio ng Korte Suprema ng Pilipinas, ang lahat ng pinakamabuti at tagumpay sa kanilang mga pagpupursige. MALIGAYANG BATI AT MABUHAY!

Incoming search terms:

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese