Home » Showbiz atbp. » TV5 management, galit sa pera

TV5 management, galit sa pera

Ni Remy Umerez

NAKAKAGULAT ang catchlineng bagong talent search reality show na Artista Academy sa TV5. Magbibigay ito ng nakalululang papremyo na umaabot sa P20 milyon sa sinumang magwawagi bilang Best Actor at Best Actress.

Bukod dito, may naghihintay na leading role sa isang teleserye sa Kapatid Network. Ang hindi malinaw sa amin ay kung magkano talaga ang c a s h prize na mapupunta sa winners.

At any rate, ang obserbasyon ng marami ay `tila galit na galit sa pera ang pamunuan ng TV5.

Sa pagbubukas ng Artista Academy sa Hulyo 30 ay masusubaybayan natin ang landas na tatahakin ng 16 na finalists na puwedeng maghatid sa kanila sa tugatog ng tagumpay.

May scholarship din na naghihintay sa finalists para sumailalim sa extensive training courtesy of Joel Lamangan, Louie Ocampo at Georcelle Dapat ng GForce na magsasanib-puwersa para ibahagi ang kanilang mga kaalaman sa iba’t ibang aspeto ng sining.

Good luck na lamang kung ganoon sa masuwerteng kalahok lakip ang aming panalangin na sana’y matagpuan ng Artista Academy ang hinahanap nilang future superstar which the Kapatid Network badly needs.

Hosts ng Artista Academy sina Cesar Montano at Marvin Agustin sa direksiyon ni Mac Alejandre.