“God is able to give you more than you need so that you will always have all you need for yourselves and more than enough for every good cause.“ - 2 Corinthians 9:8
Kapag nag-asawa ang isang propesyunal ay sinasabi nialng “one full time career.“ Bawat minuto ni misis ay kailangan siya sa kanyang tahanan. Kailangan siya ng kanyang maliliit na mga anak at sa hapon ay kailangan siya ng kanyang kabiyak. At ang trabaho sa bahay ay walang katapusan. Ano pang panahon ang kanyang gugulin sa kanyang propesyon? Upang magtagumpay sa trabaho ay kailangan ang ganap niyang atensiyon?
Sa palagay sa tahimik ng propesyunal ay magiging sideline na lamang niya ang kanyang trabaho. Kailangan ang ina ng kanyang mga anak lalo na kung sila ay maliliit pa. Ipagkakaloob ng Panginoon ang ating mga kailangan kaya’t dapat ay hindi “full time career woman“ ang isang ina.
Tanggap nang tanggap ang isip ng bata. Kung lumaki na ito ay sementado na ang lahat ng kanyang mga pandama. May sarili na siyang pagpapasiya. Matigas na ang kanyang puso. Sa pagkakaroon ng problema ng ina na dulot ng anak ay itatanong niya sa kanyang sarili: “Saan ako nagkamali?“ Iisa ang katugunan diyan na isang tanong din: Nasaan ka noong kanyang kamusmusan upang hubugin ang kanyang pagkatao?
Ano ang magagawa ng limpak na salapi at tagumpay mula sa ating propesyon kung bigo naman tayo sa ating mga anak? Nag-asawa nang maaga pagkat hindi maiwasan. Sila’y drop-out. Lumabag sila sa batas. Mahilig sila sa drugs, sugal at barkada. Dahilan? Pagkat ang ina na ilaw ng tahanan ay isang career woman. Wala sila maghapon noong kailangang-kailangan sila. At si mister na nagkaroon ng ikalawang pamilya? Masisisi ba natin si mister kung patigilin si misis sa kanyang trabaho? Ang kaligayahan muna ng pamilya bago ang sariling propesyon, hindi ba? Kung salat sa budget may iba pang paraan. Ang Diyos ang bahala huwag lamang ang anak ay mapabayaan.

