“Hindi ko pa alam kung sino ang aking makakalaban.”
Ito ang tahasang sinabi ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao hinggil kung sino ang kanyang susunod na makakalaban matapos ang kanyang kontrobersyal na pagkatalo kay Timothy Bradley noong Hunyo 10.
Kasalukuyang nasa Sarangani province si Pacquiao para pangunahan ang mga proyekto nito sa lalawigan matapos sinalanta ng kalamidad.
Ayon kay Manny, kahit sino naman ay nais nitong makasagupa.
Matunog ang pangalan ni Juan Manuel Marquez at Timothy Bradley para sa November 10 fight.
Nakatakda namang pag-usapan nila ni Top Rank Promoter Bob Arum ngayong linggo ang boksingerong itatapat sa kanya.
Samantala, kinumpirma naman ni Rose Tamayo, chief public information officer ni Pacquiao, na nakabalik na sa Manila kahapon si Manny para sa paghahanda sa SONA ni Pangulong Benigni Simeon “Noynoy” Aquino III. – Beth Camia

