Home » Pananaw ni Manny V » DOLPHY, ISANG MATAGUMPAY NA ENTREPRENEUR

DOLPHY, ISANG MATAGUMPAY NA ENTREPRENEUR

 

Mahigit apat na taon na ang nakalilipas mula nang pormal kong hilingin sa Cultural Center of the Philippines (CCP) na hirangin bilang National Artist si Rodolfo “Dolphy” Quizon bilang pagkilala sa natatanging kontribusyon niya sa sining ng pag-arte sa pelikula at telebisyon.

Noong Disyembre 2007 nang ipadala ko ang kahilingan sa pamunuan ng CCP. Iyon sana ang magandang pagkakataon para parangalan ang hari ng komedya dahil mabuti pa ang kanyang kalusugan noon. Noong Mayo 2012, nagsumite ako ng resolusyon sa Senado upang muling hilingin na hiranging National Artist si Dolphy. Ang hakbang na ito ay sinundan ng ibang opisyal at grupo ngunit nakalulungkot na pumanaw si Dolphy bago ito nagkaroon ng katuparan.

Pinatunayan ni Dolphy na maaaring makaahon sa kahirapan at makarating sa rurok ng tagumpay kahit ang isang dukha kung magiging masipag at matiyaga sa paghabol sa kanyang pangarap.

Ang mga katangiang ito rin ang naging mga pangunahing dahilan ng pagtatagumpay ko sa negosyo.

Sa kanyang kabataan ay hindi nangimi si Dolphy na magbanat ng buto – naranasan niyang magtinda ng mani, maglimpiya-bota, maging kargador sa piyer at maging kutsero para makatulong sa kanyang pamilya.

Nang magtagumpay siya sa pelikula ay nagtayo si Dolphy ng sariling negosyo, ang RVQ Productions, na gumawa ng maraming matagumpay na pelikula.

Dito ay napatunayang hindi lamang sa pag-arte mahusay si Dolphy kundi maging sa pagnenegosyo, isang tunay na entreprenor.

May mga nagsasabi na walang makakapantay si Dolphy sa pagiging komedyante at artista. Ngunit sa aking pananaw, marami siyang makakatulad kung ang pag-uusapan ay ang larangan ng pagnenegosyo.

Karapat-dapat lamang na pag-aralan ng sinumang nais magtagumpay sa pagnenegosyo ang buhay ni Dolphy.

Incoming search terms:

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese