Apat na negosyante at dalawang broker ang sinampahan ng kasong smuggling sa Department of Justice (DoJ) dahil sa pagpupuslit ng bigas at kemikal mula sa ibayong dagat.
Ayon kay Customs Commissioner Ruffy Biazon, aabot sa P11 million ang halaga ng smuggled rice, at P7 million naman ang market value ng naipasok na kemikal sa ating bansa.
Kabilang sa mga kinasuhan sina Noriel Angob ng DXS Marketing, John Edillor at Elvie Flores na kanyang attorney-in-fact at broker; Rolando delos Reyes ng Afidee Marketing, kasama ang broker nito na si Sabjulna Ergo Ofilan at Veronica Joy Reyes ng Seph Gabrielle Enterprises.
Giit ni Biazon, hindi mapupunan ng nasabing pagpupuslit ng bigas ang anumang kakulangan, kundi dagdag na pasakit pa ito para sa mga lokal na magsasaka.
Sa ngayon ay aabot na sa 42 ang mga kinasuhan ng smuggling sa ilalim ng programang Run After the Smugglers (RATS) ng Bureau of Customs (BoC). – Beth Camia

