Home » Probinsya » NOLCOM, nagsagawa ng tree planting

NOLCOM, nagsagawa ng tree planting

CAMP AQUINO, Tarlac City – Bilang tugon at pakikiisa sa kampanya ng pamahalaan sa National Greening Program at upang makatulong sa pagkontrol sa epekto ng global warming, isang tree-planting activity ang isinagawa ng mga kawal at kawani ng 1st Civil Relations Grpoup, Civil Relations Service ng Armed Forces of the Philippines.

Isinagawa ito kamakailan sa bakanteng lote sa loob ng Camp Servillano S. Aquino, San Miguel, Tarlac City kung saan nakahimpil ang 1st CRG sa pangunguna ni Lt. Colonel Rosalio G. Pompa, group commander.

Aabot sa 86 punlang bungangkahoy ang itinanim.

Ayon kay Pompa, sinamantala nila ang tag-ulan upang masigurong mabubuhay ang mga punla na kanilang itinanim na kaloob naman ng Department of Agriculture sa lungsod ng Tarlac. – Leandro Alborote

  • Roxy_rondael

    tama lg yan pra ma tigilan ang GLOBAL WARMING