Home » Basketball » Michael Jordan, nadismaya kay Bryant

Michael Jordan, nadismaya kay Bryant

CHARLOTTE, North Carolina (AP) – Ayon kay Michael Jordan, hindi matatalo nina Kobe Bryant at ng kasalukuyang U.S. Olympic basketball team ang 1992 Dream Team.

Sinabi ni Jordan sa Associated Press na siya ay natawa nang malaman ang pahayag ni Bryant na pakakainin nang alikabok ng kopononang kasalukuyang nagsasanay sa Las Vegas si Jordan at mga dating kakampi nito. Ayon sa basketball legend, “there is no comparison” kung tatanungin kung anong grupo ang mas magaling.

“For him to compare those two teams is not one of the smarter things he ever could have done,” sinabi ni Jordan sa isang celebrity golf tournament sa Charlotte.

Ayon kay Jordan, ang 1992 team, kinabibilangan ng 11 future Hall of Famers at nanalo ng anim na Olympic games na may average na 43 puntos upang makuha ang gintong medalya, ay mas magaling na koponaned from us. We didn’t learn from them.” sa kabuuan dahil sa ekperiyensang dala ng mga nito.

“I heard Kobe say we were not athletic. But we were smart. He said we were too old, but I was 29 and in the prime of my career. Pip (Scottie Pippen) was 26 or 27, (Charles) Barkley was 29, Patrick (Ewing) was 29 and Chris Mullin was 29. Almost everybody was still in their twenties.“

Ang reaksiyong ito ni Jordan ay nagmula sa sinabi ni Bryant na ang koponan ngayon ay tatalunin ang Dream Team kung nagkaharap-harap sila sa panahong sila ay nasa kanilang “prime“. Inihalintulad ni Bryant ang kanyang grupo sa mga kabayong pangarera, mga manlalarong kakaiba ang lakas habang ang Dream Team noon ay bibubuo ng mga manlalarong papalapit na sa katapusan ng kanilang career.

Dahil sa sinabing ito ni Bryant, agad na sumagot ang ilang naging miyembro ng Dream Team, kabilang na si Barkley, na sinundan ni Jordan.

“Most of us were in the prime of our careers, at a point where athleticism doesn’t really matter,“ sinabi ni Jordan, ang may-ari ng Charlotte Bobcats. “You have to know how to play the game.“

Nang tanungin kung bakit sa tingin niya ay nagpahayag ng ganoon si Bryant, napailing si Jordan at sinabing “I imagine he’s trying to say it to legitimize his own Dream Team.“

Incoming search terms: