Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang silangang bahagi ng Bangued, Abra noong Huwebes.
Ayon sa Philippine Institute Volcanology ang Seismology (Phivolcs), eksaktong 08:09 ng umaga nang maramdaman ang lindol.
Sinabi ni Phivolcs director Renato Solidum, nakalikha ito ng lalim na 27 kilometro. Inihayag ng Phivolcs, niyanig din ng Magniture 2 na lindol ang lungsod ng Baguio. Tectonic ang pinagmulan ng lindol na wala namang may naiulat na nasugatan o pinsala sa mga ari-arian. – Rommel Tabbad

