Home » Balita » DNA testing para sa ilehitimong anak, isinusulong na sa Kamara

DNA testing para sa ilehitimong anak, isinusulong na sa Kamara

Ni Rolly Carandang/ Manila Bulletin

Naghain ng panukalang batas ang isang kongresista na layuning magsagawa ng DNA testing sa mga batang nais matukoy ang kanilang tunay na mga magulang kahit ang mga ito ay pumanaw na.

“It is unfortunate for illegitimate children who have never had the chance to be acknowledged by their alleged parents during their lifetime,“ sinabi ni Rep. Mel Senen Sarmiento (1st District, Western Samar), may akda ng House Bill 2586 na naipasa na House Committee on Revision of Laws.

Nais amendyahan ng panukala ang mga Article 172, 173 at 175 ng Family Code of the Philippines upang matiyak na mababayaran ang proseso ng DNA testing na isang subok at maaasahan na scientific method.

“The Inclusion of DNA testing will make sure that implementation of the Family Code of the Philippines utilizes to its advantage advancements in technology,” sinabi ni Sarmiento.

Sa ilalim ng kasalukuyang Family Code, sinabi ni Sarmiento na ang illegitimate filiations ay maaaring mapatunayan sa pamamagitan ng birth record o ng mga pribadong dokumento na naglalaman ng pag-amin ng supling sa kanyang inaangking mga magulang.

Sinabi pa ni Sarmiento na kung hindi kayang maipakita ang dalawang dokumento, ang pagaangkin ay maaaring patunayan sa pamamagitan ng lantaran at patuloy na paninindigan sa estado ng ilehitimong bata o iba pang pamamaraan na naayon sa Rules of Court basta’t ito ay isinagawa noong buhay pa ang mga umano’y magulang nito.

Sa ilalim ng panukala, kung pumanaw na ang mga magulang ng bata at walang makuhang biological sample, ang DNA testing ay isasagawa sa pagitan ng bata at iba pang anak ng mga pumanaw na magulang.

Incoming search terms: