Nasa ikaapat na draft na ang talumpati ni Pangulong Benigno S. Aquino III para sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 23.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na aasahan pa ang mga pagbabago dahil mahaba-haba pa ang panahon bago ang araw ng SONA.
Ayon kay Valte, masyado umanong mabusisi ang Pangulo sa “choice of words” nito at sa mensaheng nais iparating, kaya madalas ang pakikipagpulong ni PNoy sa mga speechwriter nito.
Hindi pa rin umano matiyak ngayon kung alin ang aaprubahang audio-visual presentation at kung Filipino o English ang gagamitin.
“Sa SONA po I just saw the fourth draft of the SONA that was submitted to the President. So ano na po, fourth draft na po tayo. We will see a lot of movements, a lot of changes in the way that the President does his SONA in the next weeks, ano. Just to give you an idea, si Pangulo po kasi, ano ‘yan eh, it‘s a constant evolution. Kapag lalo ho meron siyang mga nakikita in his daily work that he feels that should be included, nilalagay po ‘yan. So constantly magtse-change po ‘yung form nung draft,” ani Valte. – Beth Camia

