Home » Pagtanaw at Pananaw » EKONOMIYA BUMUBUTI

EKONOMIYA BUMUBUTI

PATULOY na nga ba sa pagbuti at pag-usad ang ekonomiya ng Pilipinas? Lumalakas ang puwersa ng piso kontra sa US dollar, inupgrade ng Standard & Poor’s (S&P) ang credit ratings ng bansa, nabawasan ang mga nagugutom na Pinoy sa nakalipas na tatlong buwan, ayon sa Social Weather Station (SWS).

Ang S&P ay isa sa international credit rating firms na nag-grado sa PHL mula sa BB para maging BB+. Kung ano man ang kahulugan ng BB at BB+, bahala na ang mga ekonomista at financial experts ni PNoy.

Naging 13 na ang biktima ng tinatawag na EXTRA-JUDICIAL KILLINGS sa loob ng dalawang taong panunungkulan ni President Benigno S. Aquino III. Bakit, malas bang talaga ang numero 13 Atty. Dong Badminton? Ang pinakahuling biktima ay si Wilhelmuz JJ Lutz Geertman, 67 anyos, isang Dutch aid worker at executive director ng non-government organization Alay Bayan, Inc (ABI). Binaril at napatay siya ng dalawang armadong lalaki sa harap mismo ng kanyang opisina sa Bgy. Telabastagan. San Fernando, Pampanga noong Martes.

Tumutulong daw si Geertman sa mga magsasaka sa Hacienda Luisita at iniuugnay ng militanteng grupo ang pagpatay sa kanyang adb ok asiy a. It inang g i it o ng Malacañang. Calling, PNP Chief Nicanor Bartolome! Gumising at kumilos kayo, tugisin po ang mga kriminal na nambubulahaw sa Tuwid na Daan ni PNoy.

Hiling din ng mamamayan na pagtuunan ng pansin ng PNP ang mga riding-in-tandem. Bakit hindi ninyo subaybayan nang husto ang mga motorsiklong may magkaangkas o kaya ay gawing patakaran na patigilin at suriin ang mga motorsiklong may lulang dalawa o higit pa upang kahit papaano ay mabawasan kung `di man ganap na masugpo ang mga pagpatay, panghoholdap, panghahalbot, na kagagawan ng riding-in-tandem?

Pagkatapos ng mainit na tagaraw, heto naman ang tag-ulan na nagdudulot ng pagbaha sa maraming parte ng bansa, kabilang ang Metro Manila, na barado ang mga imburnal. Dahil dito, binubuhay na naman ang mungkahing gawin ang simula ng klase sa Setyembre upang hindi malagay sa panganib ang buhay ng mga mag-aaral. Bakit, kung Setyembre ba ay wala nang ulan, bagyo at baha?

comments
Translate »
  • Afrikaans
  • Arabic
  • Bulgarian
  • Cebuano
  • Chinese(Simplified)
  • Chinese(Traditional)
  • Croatian
  • English
  • Filipino
  • Hindi
  • Indonesian
  • Italian
  • Japanese
  • Korean
  • Lithuanian
  • Malay
  • Polish
  • Romanian
  • Russian
  • Slovenian
  • Somali
  • Spanish
  • Thai
  • Turkish
  • Ukranian
  • Vietnamese