Home » Editoryal » NATIONAL NUTRITION MONTH ANG HULYO

NATIONAL NUTRITION MONTH ANG HULYO

 

Bilang pagtupad sa Section 7 ng Presidential Decree No. 491 (Nutrition Act of the Philippines), na may petsang Hunyo 25, 1974, ang Hulyo ay ipinagdiriwang bilang National Nutrition Month sa buong bansa upang lumikha ng mas malawak na kaalaman ang mga mamamayan hinggil sa kahalagahan ng nutrisyon.

Ang National Nutrition Council (NNC) ay taunang naglalabas ng tema upang ituon ang atensiyon ng publiko at magdulot ng aksiyon sa isang partikkular na isyu na may kaugnayan sa nutrisyon. Sa temang “Pagkain ng Gulay Ugaliin, Araw-araw Itong Ihain,“ hinihimok ng selebrasyon ng National Nutrition Month ngayong taon ang mga Pilipino na damihan ang pagkain ng gulay upang matugunan ang micronutrient deficiencies.

Kamakailan, nagsagawa ng NNC ang malawakang recipe development contest na dinisenyo upang magdulot ng mura, madaling lutuin, at masustansiyang pagkaing gulay. Ang mga magwawaging recipe ay titipunin at gagawing aklat at ipamamahagi sa mga benepisyaryo ng Conditional Cash Transfer program (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) na pangangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development. Nakipagpulong din ang NNC sa mga pangulo ng Urban Poor Associations sa Regional Health Training Center sa Zamboanga City sa layuning makipag-agapayan sa iba pang sektor sa pagtataguyod ng nutrisyon.

Iba’t ibang aktibidad ang inihanda sa buong bansa para sa isang buwan na pagdaraos pati na ang pagtatanim ng gulay sa maraming paaralan, day care center, mga komunidad, ospital, liwasan, at mga tahanan; magdaos ng mga seminar para sa mga stakeholder; may isang “Advocacy Run“ na inorganisa ng Associatioin of Nutrition Action Officers ng Naitonal Capital Region na lalahukan ng mahigit 5,000 runner mula sa 17 lalawigan at lungsod ng Metro Manila.

Binabati natin ang National Nutrition Council Governing Board sa pangunguna ng kanilang Chairman Department of Health Secretary Enrique T. Ona, Vice Chairmen Department of Agrigulture Secretary Proceso J. Alcala at Department of the Interior and Local Government Secretary Jesse M. Robredo, Executive Director Department of Health Assistant Secretary Maria Bernardita T. Flores at Deputy Executive Director Carolina Bautista-Batallones, iba ang Opisyal at Miyembro sa okasyon ng National Nutrition Month. Ang Manila Bulletin sa pangunguna ni Chairman of the Board Dr. Emilio T. Yap, President and Publisher Atty. Hermogenes P. Pobre, Executive Vice President Dr. Emilio C. Yap III, Editor-in-Chief Dr. Cris J. Icban Jr., Business Editor Loreto D. Cabañes, at mga Opisyal, ay hinahangad ang tagumpay ng kanilang mga pagsisikap. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!

Incoming search terms:

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese