Home » NBA » Deron, muling lumagda sa Nets

Deron, muling lumagda sa Nets

Pumayag si All-Star point guard Deron Williams sa five-year contract na nagkakahalaga ng halos $100 million upang manatili sa Brooklyn Nets.

Inihayag ni Williams ang desisyon sa kanyang Twitter account kahapon upang patuloy na maglaro sa Nets kaysa lumagda sa Dallas Mavericks. Direkta rin nitong sinabihan ang Nets na tinatanggap niya ang five-year, $100 million offer, ayon sa league sources. Sa ilalim ng NBA rules, pwedeng ipagkaloob ng Nets kay Williams ang ikalimang season na nagkakahalaga ng $25 million habang ang Mavericks ay mayroon lamang na offer na limitadong apat na taon.

Habang mananatili si Williams sa Nets, agarang kikilos ang Mavericks upang mapalagda si point guard Steve Nash, ayon pa rin sa league sources. Tinatrabaho na rin ng Mavs na muling mapalagda si Jason Kidd. Subalit hindi naman papasok ng malapitan ang Dallas na maipatas nito ang three-year, $36 million offer na isinagawa ng Toronto kay Nash, giit pa ng league source sa Yahoo! Sports.

Hindi naman ipagpipilitan ng Dallas ang Houston free-agent point guard na si Goran Dragic. Ang Mavericks ay maingat hinggil sa pag-invest ng nararapat na pera upang kunin si Dragic mula sa Rockets, o tumanggap ng bisita na kahalintulad ng Phoenix Suns.

Ang desisyon ni Williams ay naging sapat naman sa Nets, sadyang nagtrabaho nang husto upang mapasama pa rin sa lineup ang franchise star para sa gagawing kampanya ng Brooklyn sa darating na season. Hindi sila nagtagumpay sa pagtatangkang ma-trade ang All-Star forward na si Carmelo Anthony noong nakraang season at sa kasalukuyan ay ‘di pa rin nila mahimok ang Orlando Magic na ma-trade si All-Star center Dwight Howard.

Nagsugal si Nets general manager Billy King na makuha si Williams sa 2011 trade deadline at nasiguro ang commitment kay Williams sa pamamagitan ng pagbili sa kanya sa kinabukasan ng prankisa.

Ang commitment ni Williams ay nangyari isang araw nang ang Nets ay kunin si All-Star guard Joe Johnson sa isang blockbuster trade na nagdala kay guards Anthony Morrow, Jordan Farmar at DeShawn Stevenson at forwards Jordan Williams at Johan Petro sa Atlanta Hawks, kabilang na rin ang lottery-protected 2013 first-round pick usapin ng Nets upang pumili ng manlalaro mula sa Houston Rockets. Pumayag rin ang Nets sa four-year, $40 million contract kay forward Gerald Wallace, three-year, $15.6 million deal kay Bosnian forward Mirza Teletovic at three-year, $5 million deal kay forward Reggie Evans, kinuha mula sa sign-and-trade agreement ng Los Angeles Clippers.

Ipinagpatuloy ng Nets ang pakikipag-usap sa Magic hinggil sa posibleng trade kay Howard, ngunit kung ‘di matutugunan ang deal, aayusin nila ang paglagda ni free-agent center Brook Lopez.