Home » Probinsya » Buwan ng Nutrisyon sa Bulacan

Buwan ng Nutrisyon sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS – Pangungunahan ni Bulacan Gov. Wilhelmino M. Sy-Alvarado ang pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon sa lalawigan.

May temang “Pagkain ng gulay ugaliin, araw-araw itong ihain,” sinabi ng gobernador na kabilang sa mga tampok na aktibidad ang food festival, cooking contest, poster at slogan-making contest sa mga paaralan, at information forum.

Isasagawa rin ang Malunggay Cooking Contest, na lalahukan ng mga Lingkod Lingap sa Nayon at Mother Leader sa bawat bayan at lungsod, na ang lahat ng mananalong recipe ay pagsasama-samahin upang makabuo ng recipe book na “Lutong Bulakenyo”.

Magkakaroon din ng pagtitipon ang 803 may-ari ng panaderya at mga panadero sa Kongreso ng mga Panadero, at isasailalim sila ng Department of Science and Technology-Food and Science Research Institute (DoST-FSRI) sa pagsasanay kaugnay ng pagdadagdag sa gulay bilang sangkap sa pandesal. – Omar Padilla

Incoming search terms:

  • DFVDCFVD

    FDGCHGJHGFJG

    BV

    AXCZSHCBXS

    • DGD

      OIP