Sinabi ni Jesus sa lalaking nakahiga sa papag ng karamdaman, “Lakasan mo ang iyong loob, anak! Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.” Noo’y inisip ng ilang guro ng Batas: “Iniinsulto ng taong ito ang Diyos.” Alam ni Jesus ang kanilang mga niloloob, at sinabi niya: “Bakit kayo nag-iisip ng masama? Ano ba ang mas madaling sabihin: ‘Pinatawad na ang iyong mga kasalanan’ o ‘Tumayo ka at lumakad’? Dapat ninyong malaman na may kapangyarihan sa lupa ang Anak ng Tao na magpatawad ng kasalanan.” At sinabi niya sa paralitiko: “Bumangon ka, dalhin mo ang iyong higaan at umuwi.” At bumangon ang tao at umuwi.
PAGSASADIWA
Bakit kayo nag-iisip ng masama?—Ang masasamang iniisip ang tunay na pagkalumpo na nangangailangan ng pagpapagaling! Karaniwang makasarili ang masasamang iniisip; pinahahalagahan ng mga ito ang ating sarili bago ang kalagayan ng iba. Bago kayo mag-isip ng masama, itanong muna sa inyong sarili ang tanong ni Jesus: “Bakit kayo nag-iisip ng masama?” Kadalasa’y madaling gumawa ng mabuti, subalit mahirap mag-isip ng mabuti.
Home » Mabuting Balita » Am 7:10-17 • Slm 19 • Mt 9:1-8

