Home » Baseball » Muntinlupa batters, tiniyak ang pagwawagi

Muntinlupa batters, tiniyak ang pagwawagi

Kumpiyansang nagtungo kamakalawa ang Muntinlupa sa Guam para pagwagian ang 15-18 years old ng Asia-Pacific Regional championship.

Determinado ang Filipinos na masasawata nila ang kanilang mga kalaban sa Paseo Baseball Stadium sa capital Agana upang mapasakamay ang tiket sa World Series sa Easley, South Carolina sa Hulyo 24-30.

Unang masusubukan ng Alabang-based batters ang host Guam bukas sa ganap na alas-5:00 kaalinsabay sa selebrasyon ng Philippine-American Friendship Day.

Matapos makaharap ang Guamenians sa laban ng dalawang dating US colonies, makakatagpo naman ng Nationals ang Saipan, Thailand at Hong Kong.

Kumpiyansa si coach Ricardo Jimenez, hinawakan ang koponan sa loob ng dalawang taong nakalipas, na malulusutan ng kanyang tropa ang pressure at nagsabing magiging mainit ang kanilang pagsalang lalo pa at naging maigting ang kanilang pagsasanay at preparasyon.

“They continuously trained perfecting their play and toughened their defense after the Little League held in Clark,” saad ni coach Jimenez, gagabayan ng dating kapwa national players na sina Marlon Caspillo at Lolito Pulgo.

Positibo rin ang pananaw ni team manager Felipe Antonio Remollo sa mga manlalaro na malalagpasan ang kanilang matinding pagsagupa. Nabatid kay Remollo na kargado ng malakas na kondisyon at mentalidad ang tropa upang kaharapin ang mga kalaban patungo sa Paseo Baseball diamond..

“I have trust and confidence they can do it because they have sufficient preparation. This team is much stronger than last year because of the inclusion of young talented players,” pagmamalaki ni Remollo bago umalis koponan patungo sa US trust territory.

Ipiprisinta ng champion team ang rehiyon patungo sa World Series sa South Carolina, USA sa buwan na ito.

“Saipan and Guam are tough because baseball is popular in these countries. We are not worried because the players are strong an capable beating Guam and Saipan,” giit ni Remollo.

Naglaro na rin sa ilang torneo ang Guam at Saipan at maging sa friendly games laban sa Pilipinas sa Rizal Memorial diamond.

Ang pagbiyahe ng koponan ay naging posible dahin na rin sa suporta ng Little League Philippines, PSC Commissioner Jose Luis “Jolly” Gomez, Foton Motors, San Miguel Corporation, Petron at Eagle Sky Entertainment.

Napagwagian ng Muntinlupa ang15-18 category ng Little League Philippine Series noong nakaraang Abril sa Clark Freeport Zone, Pampanga.
Ang koponan ay kinabibilangan ng mga manlalaro na mula sa Ateneo, La Salle, NU, RTU at maging sa Cebu Dolphins, Manila Sharks, Alabang Tigers at Dumaguete Unibikers ng Baseball Philippines.

Ang koponan ay kinabibilangan ng anim na matitikas at talented pitchers sa pamumuno ni top hurler Carlos Munoz at Tsuyoshi Horibata at matitinding sluggers na sina Deo Remollo, Paco Tantuico, Justin Mathay, Micuel Salud at Filipino-Japanese Francisco Hashimoto.

Kasama rin sa koponan sina Johnny Altamonte, Johndel Tolosa, Ferdinand Liguayan, Alfa Ian Turaray, Tuwi Park Quito Castro at Ado Iñigo. – Clyde Mariano