BIBISITA sa ASAP 2012 ngayong tanghali ang pinakabagong love team sa Primetime Bida na sina Carmina Villaroel at Zaijan Jaranilla kasama ang buong cast ng Lorenzo’s Time.
Tuloy din ang kilig at saya sa ASAP 2012 sa espesyal na handog nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, at Khalil Ramos; nina Piolo Pascual at Sam Milby; at sina Kim Chiu, Shaina Magdayao, Erich Gonzales, Maja Salvador, at Empress.
Hahataw at kakanta naman sa birthday bash si Iya Villania kasama sina Gab Valenciano at Rayver Cruz; gagawaran ng platinum award si Christian Bautista na makaka-duet si KC Concepcion; at maglulunsad ng bagong album ni Jovit Baldivino.
Makakasama ni Toni Gonzaga ang PBB Teen evictees na sina Tom at Yves sa `Step My Step’ segment. Makatindigbalahibong vocal act ang ihahatid nina Basil Valdez, Erik Santos, Richard Poon, JM de Guzman, Juris, Paolo Valenciano, Princess Velasco, at ng ASAP Pinoy Champs.
Makisaya sa ASAP 2012 ngayong tanghali sa ABS-CBN.

