Home » Balita » 4 holdaper, kinuyog ng mamamayan

4 holdaper, kinuyog ng mamamayan

Kinuyod ng mga ang apat na holadper ng isang pampasaherong jeepney sa Makati City nitong Huwebes ng gabi.

Nakakulong ngayon sa detention cell ng Makati PNP ang mga naaarestong suspek na sina Allen Andaya; magkakapatid na Don Don Asedra at Dante at Maximo Ayao.

Sa ulat ng Makati PNP, pasado 9:00 ng gabi nang holdapin ng apat na suspek sa pampasaherong jeepney na may rutang Market-Market Guadalupe.

Pagsapit sa Kalayaan Avenue, Barangay West Cembo ng lungsod, naglabas ng patalim ang mga suspek at nagdeklara ng holdap saka tinutukan ang isa sa mga dalagang pasahero ng jeepney.

Nakahingi naman ng tulong ang mga pasahero sa mga kalalakihan sa lugar na humabol sa mga suspek hanggang sa maabutan ang ito at pinagtulungang bugbugin.

Duguan ang mga mukha at tadtad ng pasa sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga suspek nang dalhin sila sa himpilan ng pulisya. – Bella Gamotea

Incoming search terms: