Ipagpatuloy natin ang pagtalakay tungkol sa malulupit na katotohanan ng kalusugan…
May amiga akong kilala sa pagiging health-conscious. Minsang nag-celebrate ng birthday ang isa naming amiga, nakita ko siyang kumakain ng maraming spaghetti. “Okay lang,“ anang aking health-conscious na amiga. “Ie-exercise ko naman ito later.“
- Hindi mo maaaring idaan sa ehersisyo ang sobrang pagkain.Una, ang pagbabawas ng timbang, o pagpapalaki ng katawan, o simpleng pagnanais na maging malusog ay hindi lamang tungkol sa calories na pumapasok at lumalabas sa ating katawan. Ayon sa mga eksperto, naaapektuhan ng iyong mga kinakain ang iyong metabolism, pagtulog, pagkaalerto ng isipan, at masayang disposisyon sa buhay, at iba pa.
- Wala kang napapala kapag nasasaktan ka na. May nakapagsabi, “No pain, no gain.“ Hindi ako naniniwala sa kasabihang ito.
Pangalawa, kumikintal sa isipan ang mga maling paniniwala hinggil sa kalusugan. Kapag kinakatigan natin ang mga maling paniniwala tungkol sa kalusugan (halimbawa na lamang ng ginawa ng aking health-conscious na amiga), mahirap nang iwaksi ito sa isipan.
Panatilihin mong aktibo ang iyong sarili. At iyon ang mahalaga. Huwag mong idaan sa pagkain ang pagpapasaya mo sa iyong sarili.
Kapag nanakit ang iyong katawan dahil sa sobrang exercise, talagang masakit iyon. Simple lamang ang tugon ng tao sa kahit na anong bagay na masakit humihinto tayo! Kapag nanakit na ang iyong katawank, nawawalan ka nang magpatuloy, tumatanggi ka na sa exercise o kinatatakutan mo na ito. Bubuti ba ang iyong pakiramdam o kalusugan kapag nananakit na ang iyong kalamnan?
Kung kakaunti lamang ang pananakit na idinudulot ng exercise program mo, malaki ang pakinabang niyon. Yakapin mo ang totoo mong hilig sa kalusugan yaong nagdudulot sa iyo ng higit na kaligahayan at may kabuluhan.
Iyon ang sikreto ng pagtataglay ng mabuting lagay ng kalusugan.

