Home » Balita » Isabela, Cagayan Signal No. 2

Isabela, Cagayan Signal No. 2

Isinailalim na sa Signal No. 2 ang lalawigan ng Isabela at Cagayan habang 12 pang probinsiya ang apektado ng bagyong “Dindo” na lumalakas habang tumatahak sa kanluran-hilagang kanluran ng Northern Luzon.

Si “Dindo” ay huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa layong 380 kilometro silangan-hilagang silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometers per hour (kph) at pagbugsong aabot sa 90 kph. Kumikilos ito sa bilis na 19kph. Nasa public storm warning Signal No. 1 naman ang Batanes Group of Islands, Calayan Island, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Aurora, Ifugao, Nueva Viscaya, at Quirino. Inaasahan ng PAGASA na paiigtingin ni “Dindo” ang hanging habagat, na magdadala ng pag-ulan sa Southern Luzon at iba pang bahagi ng Visayas at Mindanao. Ngayong umaga, inaasahang kikilos si “Dindo” sa 220 km ng hilagang silangan ng Casiguran, Aurora, at inaasahang nasa 150 km kanluran timog-kanluran ito ng Basco, Batanes bukas (Biyernes) ng umaga. Pinag-iingat pa rin ng ahensiya ang mga apektadong lugar sa posibilidad ng landslide at flashflood. – Rommel P. Tabbad

Incoming search terms: