Handang-handa na si WBO super bantamweight champion Nonito Donaire Jr. sa kanyang unification bout kay IBF junior featherweight titlist Jeffrey “Mongoose” Mathebula ng South Africa sa Hulyo 7 na gaganapin sa Estados Unidos.
Malaking pagsubok sa binansagang “The Filipino Flash” ang laban kay Mathebula na mas matangkad sa kanya ng apat na pulgada at kilalang mabilis na boksingero.
“I have a lot of respect for Mathebula. He is a slick and skilled boxer. The fight is a big challenge for me,” sabi ni Donaire sa Philboxing.com. “Right now, I am focusing on Mathebula. My focus is winning by fighting my fight. I’ve to be at my best to beat Mathebula.”
Masaya maging ang kanyang promoter na si Top Rank big boss Bob Arum dahil nagkalaman na ang bodega ng Pinoy boxer na nakatalang No. 5 poundfor-pound boxer sa The Ring Magazine.
“He is not good, he’s sensational, very sensational,” ani Arum. “I think he is very strong now.” – Gilbert Espena

