Home » Showbiz atbp. » Tsismis na ‘sila na’ ni Aiza, iniyakan ni Krizza Neri

Tsismis na ‘sila na’ ni Aiza, iniyakan ni Krizza Neri

DREAM come true para sa first Protégé: The Battle for the Big Break grand winner na si Krizza Neri, pagkaraan ng anim na buwan, na-release na ang kanyang self-titled album na may 11 tracks.

Krizza NeriKasama sa album ang theme song ng The Good Daughter na siya ang umawit at ang bonus track na Ba’t Di Ko Nasabi. Produced ni Aiza Seguerra sa kanyang sariling label na Blackbird Music ang album. Si Aiza ang naging mentor ni Krizza sa Protégé.

It seems na handa na sina Krizza at Aiza sa intrigang kumakalat na kahit tapos na ang Protégé ay nakikita pa rin sila na laging magkasama, na lalo pang uminit nang maghiwalay ang huli at ang matagal nang ka-partner na si Chen Sarte.

Iniyakan ni Krizza, who will turn 17 years old pa lamang sa June 28, mga intrigang ito.

“Noong una, dahil hindi ko po alam na ganoon pala ang bagong buhay na pinasok ko, “ napapangiting wika ni Krizza. “Kung anu-ano po kasing panlalait ang inabot ko sa Twitter at sa mga write-ups. Masakit kasi po kung ako lang, okey lang, pero ang isama ang family ko sa paninira nilang ginagawa, hindi ko na ma-take. Kaya po isinara ko na rin ang Twitter account ko at nagconcentrate na lang ako sa recording ko ng songs sa album at sa mga shows ko.“

Ano ba talaga ang namamagitan sa kanila ni Aiza?

“Ayaw ko na pong magsalita, kasi ang mga tao, may sasabihin pa rin. Kung ano ang pinaniniwalaan nila, hindi mo na `yon mababago kahit pa anong explanations ang gawin ko. Ayaw ko na po, lalo lang lalaki. Si Aiza (ipinatanggal kasi ni Aiza ang pagtawag niya ng `Ms. Aiza’) pa rin po ang mentor ko hanggang sa ngayon. Smile na po lang ako. Very supportive po lamang siya, hindi niya ako iniwanan.“

Hindi raw totoo na inaway siya ni Chen after ng break-up nito kay Aiza. Katunayan, tinulungan pa siya nang maospital noon si Aiza at kailangang maayos na ang recording niya.

Dalawang original songs ni Aiza ang kasama sa album, ang Kung Malalaman Mo at Look My Way. Ang No More You and Me na composition ni Nyoy Volante at Dahil Sa `Yo ni Laarni Matta Macaraeg ang paborito ni Krizza. Ang French Fries and Coke at Don’t Be Too Much ay preppy youthful songs ni Jude Thaddeus Gitamondoc. Ang Kung Malalaman Mo ay composition ni Ryan Cayabyab. Ang Narda ay nilapatan ng ibang areglo na bagay kay Krizza. Kasama rin ang If I Could/Wind Beneath My Wings at Could Have Been na kinanta niya sa Protégé. Ang kumumpleto sa tracks ng album ay ang Bakit Ka Lumayo ni Ogie Alcasid.

Ang album ay iri-release ng Universal Records at magkakaroon ng concert tour si Krizza with Aiza entitled The Protégé and the Mentor sa July 13 sa CSI Dagupan, July 14 sa Sorsogon, July 15 sa Starmall Edsa, July 21 sa Starmall Las Piñas, July 22 sa Starmall Alabang at sa July 29.

Incoming search terms: