Home » Balita » Taxi drivers: P1,200 boundary ibalik

Taxi drivers: P1,200 boundary ibalik

Ni Jun Fabon

Nanawagan ang may 12,000 taxi driver sa bansa na ibalik na sa dating presyo ang kanilang boundary.

Lumutang ang usapin sa gitna ng napipintong pagpapalabas ng desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa petisyong inihain ng commuter group na ibalik sa P30 ang flagdown rate sa taxi.

Sinabi ni Fermin Oktubre, national president ng Drivers Unite for Mass Progress Equality and Reality (DUMPER), na mula nang maging P40 ang flagdown rate, tumaas ang binabayaran nilang boundary sa kanikanilang operator.

Anila, mula sa dating P1,200, umaabot na ngayon sa hanggang P1,800 ang boundary na kanilang binabalikat sa kada araw na biyahe.

Ayon pa sa grupo, sakaling paboran ng LTFRB ang petisyon ng National Center for Commuter Protection (NCCP), kailangang obligahin ang mga operator na sagutin ang pambili ng papel na ginagamit nila sa pag-iisyu ng resibo dahil dapat kasama ito sa kada araw na gastusin ng operator.

Incoming search terms: