Home » Probinsya » Mandanas, kakandidatong gobernador ng Batangas

Mandanas, kakandidatong gobernador ng Batangas

 

BATANGAS, Philippines – Kinumpirma ni Batangas 2nd District Rep. Hermilando Mandanas na plano niyang kumandidatong gobernador ng lalawigan, tatapatan si Gov. Vilma Santos Recto sa halalan sa 2013.

Sa isang presscon sa Alpha Hotel sa Batangas City kamakailan, sinabi ni Mandanas na handa siya sa kahit sino na kanyang makakalaban.

Nagpahaging din ang kongresista na maaaring kumandidatong senador si Gov. Vi para sa preparasyon sa umano’y pagtakbo nitong bise presidente sa 2016.

Nasa huling termino na bilang congressman, sinabi ni Mandanas na nakipagpulong siya kay Vice President Jejomar Binay para mapagdesisyunan ang pagkandidato niyang gobernador ng Batangas.

Ayon pa kay Mandanas, bukas siya sa sinumang nagnanais at mapipili ng kanyang kampo para makatambal niya bilang kandidato sa pagka-bise gobernador.

Ilan sa nabanggit ni Mandanas na maaaring maging running mate niya ay sina Vice Gov. Mark Leviste, League of Municipalities (LMP) Batangas President at Calaca Mayor Sofronio Ona Jr., Edna Sanchez, at maging ang anak ng gobernadora na si Luis Manzano. – Lyka Manalo

comments
Translate »
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese
    AfrikaansArabicBulgarianCebuanoChinese(Simplified)Chinese(Traditional)CroatianEnglishFilipinoHindiIndonesianItalianJapaneseKoreanLithuanianMalayPolishRomanianRussianSlovenianSomaliSpanishThaiTurkishUkranianVietnamese