Home » Balita » Jordan ministry, sinupalpal ng AFP

Jordan ministry, sinupalpal ng AFP

Sinupalpal ng Armed Forces of the Philippines ang naging pahayag ng Foreign Ministry ng Jordan matapos na hindi paniwalaan na dinukot umano ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang mamamahayag na si Baker Atyani sa Sulu.

Sinabi ni Western Mindanao Command (WestMinCom) spokesman Lt. Col. Randy Cabangbang, na hindi talaga kapani-kaniwala ang naturang balita.

Ipinaliwanag ni Cabangbang batay sa kanilang mga natatanggap na ulat, palipat-lipat umano ng lugar si Atyani at ang dalawa nitong kasamahang Pinoy crew na sina Romilito Vela at Rolando Letrero.

Dahil dito, pinagdududahan nila ang sinasabing dinukot ito ng mga bandidong Abu Sayyaf.

Kung talagang biktima sila ng kidnapping, hindi magagawang magpalipat-lipat ng lugar ang mga ito lalo na walang ginagawang military rescue sa grupo ni Aytani.

Idinagdag pa ni Cabangbang kung talagang binihag si Atyani at dalawang Pinoy crew nito ay hindi sila ipapasa sa iba’t ibang lider ng ASG at mananatili lamang sa isang lugar.

Iisa lamang ang nakikitang dahilan ang ginagawang palipatlipat ng lugar ang grupo ni Atyani upang kapanayamin ang mga lider ng Abu Sayyaf, bilang patunay na nagpapatuloy ang kanilang pakay sa ASG.

Ayon pa kay Cabangbang, unang iniulat na nasa kuta umano ni ASG lider Tuan Nadzmer Alih si Atyani at dalawang TV crew at pagkatapos ay lumalabas din na nasa grupo na naman ni Commander Radullan Sahirun ang mga ito. – Fer Taboy

Incoming search terms: