Home » Daigdig » Ikaapat na pinakamalaking US bank, ililipat ang trabaho sa Pilipinas

Ikaapat na pinakamalaking US bank, ililipat ang trabaho sa Pilipinas

CHARLOTTE, North Carolina (Reuters) – Binabalak ng Wells Fargo & Co, ang ikaapat na pinakamalaking bangko sa U.S. sa batayan ng assets, na ilipat ang ilan sa kanilang mga trabaho sa labas ng United States sa pagsusulong nito ng company-wide cost-cutting program, sinabi ng isang tagapagsalita noong Miyerkules.

Pinag-iisipan ng bangko na ipadala ang trabho sa kanilang retirement division, technology areas at iba pang mga linya ng negosyo sa Pilipinas at India, sinabi ni spokeswoman Bridget Braxton.

Iniulat ng Charlotte Observer noong Miyerkules na naghahanda na ang Wells Fargo na i-outsource ang trabaho sa kanilang institutional retirement division sa Pilipinas at India, tinukoy ang internal memo na ipinadala sa mga empleado.

Sinabi ni Braxton na maaaring ilipat din ng bangkong nakabase sa San Francisco ang mga posisyon sa loob ng United States at sinusuri kung aling mga bansa ang most “economically attractive.”

Ang Wells Fargo ay mayroong halos 265,000 full-time employees sa pagtatapos ng first quarter. Ang malaking bilang ay patuloy na magbabase sa United States, ani Braxton.

Incoming search terms: