Home » Tennis » Djokovic vs Federer sa semifinals?

Djokovic vs Federer sa semifinals?

WIMBLEDON, England (AP) – Patuloy na nag-uumpugan sa Grand Slam tournament, nangangahulugan ang draws para kina Novak Djokovic at Roger Federer upang magtagpo sa major semifinals at ito’y mangyayari uli sa Wimbledon.

Ang No. 1-seeded na si Djokovic, ang defending champion, at No. 3 Federer, ang six-time winner sa All England Club, ay napahanay sa kaparehong half para sa taong ito. Naglaro sila sa semifinals ng lima sa pitong huling Grand Slam tournaments, kung saan ay tangan ni Djokovic ang 4-1 edge, kasama na ang panalo may dalawang linggo na ang nakalilipas sa French Open.

Kahalintulad rin ito kina No. 2 Rafael Nadal at No. 4 Andy Murray na palagian ring nagtatagpo sa major semifinal. Ang Wimbledon ang maaring ikalimang beses sa siyam na majors na kanilang inilaro. Taglay ni Nadal ang 4-0 laban kay Murray, kasama na ang All England Club noong 2010 at 2011.

Ang potential men’s quarterfinals sa Wimbledon, magsisimula ang laro sa Martes, ay kinabibilangan nina Djokovic vs. No. 6 Tomas Berdych, ang 2010 runner-up; Federer vs. No. 8 Janko Tipsarevic o No. 11 John Isner, ang big-serving, 6-foot-9 American na mas kilala sa pagtalo kay Nicolas Mahut, 70-68, sa fifth set ng pinakamahabang labanan sa kasaysayan ng tennis; two time champion Nadal vs. No. 5 Jo-Wilfried Tsonga; at Murray vs. No. 7 David Ferrer o No. 9 Juan Martin del Potro.

Posibleng makatagpo ni Isner sa second-round match si Mahut, ang annual occurrence sa grasscourt Grand Slam tournament. Matapos ang kanilang 11plus-hour marathon sa first round noong 2010, muli silang nagtapo sa unang round noong nakaraang taon.

Ang women’s quarterfinals na naitakda sa draw kahapon ay sina No. 1 Maria Sharapova vs. No. 8 Angelique Kerber; No. 6 Serena Williams, ang four-time champion, vs. Petra Kvitova, ang defending champion; No. 3 Agnieszka Radwanska o Venus Williams vs. No. 5 Sam Stosur; at No. 2 Victoria Azarenka vs.
No. 7 Caroline Wozniacki.

Posibleng magharap si Sharapova at four-time Wimbledon champion Serena Williams sa final lamang, na maaring maging daan para sa kanilang rematch noong 2004, kung saan ay napagtagumpayan ni Sharapova ang kanyang unang major title.