Ipagdiriwang ng Lugnsod ng Maynila ang ika-441 Araw ng Maynila ngayon, Hunyo 24, 2012, isang special non-working day sa Lungsod. Isang okasyon ito upang gunitain ang mayaman at makulay na kasaysayan, mga bayani at opisyal, at mga indibiduwal ng Maynila na nag-ambag sa paglago at progreso nito. Ang Spanish Conquistador na si Miguel Lopez de Legazpi, ang unang Governor-General ng bansa, ang nagtatag ng Lungsod noong Hunyo 24, 1571.
Naghanda ang pamahalaang lungsod ng maraming aktibidad para sa selebrasyon, tampok dito ang paggawad ng parangal sa “Ten Outstanding Manilans“ upang kilalanin ang kanilang kahangahangang achievements sa iba’t ibang larangan. Ang paparangalan ngayong taon ay sina: Cristina P. Paterno, Heritage Conservation; William M. Esposo, Social Responsibility in Print Media; Alfred V. Ty, Real Estate Development; Enrique Y. Yap Jr., Hotel Management and Tourism; Geronimo B. De los Reyes, Guardian of Historical Records and Archives; Lucio L. Co, Trade and Wholesale; Neal H. Cruz, Public Service in Print Media; Henry T. Sy Jr., Business Development; Helen Yuchengco-Dee, Banking and Finance; at Senator Benigno S. Aquino Jr., Public Service (posthumous). Ang “Patnubay ng Sining at Kalingangan“ ay pinararangalan ang mga alagad ng sining na Pilipino. Kabilang sa iba pang aktibidad ang timpalak sa pinakamalinis na barangay, libreng entrance sa mga tourist spot, medical at dental missions, misa ng pasasalamat, iSang job fair, art and photo exhibit, may sports festival, fun run, at symposium.
Ang pangalang “Maynila“, bilang kapital ng Pilipinas, ay hango sa “nila“, isang namumulaklak na bakawan na ginagamit para sa paggawa ng sabon na namumuhay sa matubig na bahagi ng pampang ng bay. Itinayo ng mga Kastila ang “Intramuros“ na tinawag na “Ciudad del Feliz Romero“ (Lungsod ng Masasayang Manlalakbay). Noong panahon ng Amerikano, tinagurian itong “City of Festivals“ dahil sa dami ng piyesta tulad ng Feast of the Black Nazarene sa Quiapo, Santo Niño sa Tondo, Nuestra Señora de los Remedios sa Malate, Birhen de Loreto sa Sampaloc.
Ang Maynila ay tahanan ng Malacañang, ang duyan ng pamahalaan ng Pilipinas. Nasa Lungsod din ang mga makasaysayang simbahan at gusali, malalaking kolehiyo at unibersidad, pangunahing tanggapan ng mga ahensiya ng gobyerno, mga pribadong korporasyon, gahiganteng mga mall, at tanyag na mga destinasyon ng mga turista. Taglay nito ang 16 distrito ang Binondo, Ermita, Intramuros, Malate, Paco, Pandacan, Port Area, San Andres Bukid, Santa Ana, San Miguel, San Nicolas, Santa Cruz, Santa Mesa, Quiapo, Sampaloc, at Tondo na may mahigit 12 milyong residente.
Binabati natin ang Lungsod ng Maynila, sa pangunguna nina Kagalang-galang Mayor Alfredo S. Lim at Vice Mayor Francisco M. Domagoso, District I Representative Benjamin D. R. Asilo, District II Representative Carlo V. Lopez, District III Representative Ma. Zenaida B. Angping, District IV Representative Ma. Theresa B. David, District V Representative Amado S. Bagatsing, District VI Representative Rosenda Ann M. Ocampo, Liga ng mga Barangay President Salvador H. Lacuna, Sangguniang Kabataan Federation President Eunice Ann Denice G. Castro. Ang Manila Bulletin sa pangunguna ni Chairman of the Board Dr. Emilio T. Yap, President and Publisher Atty. Hermogenes P. Pobre, Executive Vice President Dr. Emilio C. Yap III, Editor-in-Chief Dr. Cris J. Icban Jr., Business Editor Loreto D. Cabañes, at mga Opisyal, ay hinahangad ang tagumpay ng kanilang mga pagsisikap.
CONGRATULATIONS!

