BAMBANG, Nueva Vizcaya – Sisimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksiyon ng Dalton Pass Alternate Road Project (DPARP) na may habang 68 kilometro at 900 metrong tunnel sa timog kabundukan ng Nueva Vizcaya.
Ayon kay Rep. Carlos Padilla, makikinabang sa P5-9-billion na proyekto ang libu-libong motorista at pasahero, na hindi na maaabala ang biyahe tuwing may pagguho ng lupa sa lalawigan.
Sinabi ni Padilla na ang Dalton Pass ang gateway sa Region 2, patungo sa Quirino, Isabela, Ifugao, Kalinga, Cagayan, Apayao at Ilocos Region.
Kasabay nito, siniguro ni Padilla na may mapaglilipatan sa mga katutubong maaapektuhan ng proyekto, kabilang ang tribung Kalanguya. – Wilfredo Berganio

