PRESIDENT QUIRINO, Sultan Kudarat – Inihayag ng isang Hadji Bayan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) 108th Base Command na hindi ito makikialam sa kaguluhan sa Barangay Bagumbayan sa President Quirino, Sultan Kudarat.
Matatandaang dalawang armado na umano’y kabilang sa paksiyon ng MILF ang nasawi at isa pa ang nasugatan sa kaguluhang dulot ng hidwaan ng ilang magkakaanak sa usapin sa lupa sa Bgy. Bagumbayan.
Ayon kay Bayan, malaki ang pagpapahalaga at pag-asam ng kanilang grupo sa kahihinatnan ng usapang pangkapayapaan ng MILF at ng gobyerno, kaya wala silang nakikitang dahilan upang makisali sila sa hidwaan ng ilan nilang kaanak dahil sa alitan sa lupa.
Sinisikap na resolbahin ang problema sa maayos at payapang paraan. – Leo P. Diaz

