Ilulunsad sa Sabado, Hunyo 23, ng Holy Angel Univeristy (HAU) sa Pampanga ang aklat ng Kapampangan na “An Introduction to Kulitan”, isang katutubong Kapampangan script na isinulat ng iskolar na si Michael Raymon Pangilinan.
Nakilala bilang “Siuala ding Mangubie” (voice of the departed), si Pangilinan ay isang historian at cultural activist na nagsusulong ng kulturang Kapampangan.
Ayon kay CKS director Robby Tantingco, bago pa ipinakilala ng mga Kastila ang estilo ng kanilang panunulat, Kulitan ang isa sa mga orihinal na sistema ng pagsulat ng mga Kapampangan, at ginamit na lihim na diyalekto noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. – Leandro Alborote

