Dakila ka aking ina, nagsasakripisyong puspusan. Dahil sa pagtatagumpay, handa kitang paglingkuran.
Noong gabing iyon ay ginagawa ni Rebecca ang draft ng kanyang graduation speech. Sa sanlibong magtatapos sa highschol sa isang public school ay si Rebecca ang napili na maging balediktoryan.
Inaasahan ng lahat iyon sapagkat well-rounded ang mga activities ni Rebecca–kasama ang kanyang pagwawagi sa iba’t-ibang paligsahan sa sports at sa journalism. Ang taas ng mga marka ni Rebecca. Maliit pa siya ay well-trained na ang kanyang memorya ng kanyang ina.
Habang sinusulat ni Rebecca ang kanyang bibigkasing talumpati sa pagtatapos sa darating na Sabado ay naglalaro sa kanyang guniguni ang mga nagdaang taon.
Pilit niyang pinagtapat ang kanyang ina: “Hindi po ako magdaramdam sinuman siya, ipagtapat lamang po ninyo ang tunay kong ama… Hindi po ako naniniwala na siya’y patay na.“
Lumuluha si Judith nang ipagtapat niya ang tunay na pagkatao ng kanyang dalaginding na napakatalino.
Madaling araw ng Sabado noon day-off ng kanyang ina. Ginising ni Rebecca ang kanyang ina. Upang hilingin magtapat kung sino ang kanyang ama. At ang mapait na katotohanan ay parang hindi matanggap ni Rebecca:
“Huwag mo akong sisihin, anak. Nasa ospital ang iyong Lolo Inong at malala ang kanyang sakit sa baga. Napilitan akong sumama sa aming kapitbahay na naglilingkod sa isang panaderya. Dahil sa ginawa kong araw ang gabi sa pagtatrabaho, nakapag-ipon ako. Ngunit nang malaman ng may-ari ang dahilan ng aking pagsisikap, tumulong siya sa akin. Tinanggap ko ang alok niyang pinansiyal, ganun din ang pag-ibig na inaalay niya aakin. Ngunit sinawimpalad ako, anak. Dumating ang pagkakataong hinihintay niyang makapag-abroad. Iniwan niya akong ikaw ang nasa aking sinapupunan. Magpahanggang ng;ayon, hindi na siya nagpakita. Mapatawad mo sana ako anak sa nagawa ko.“
Hindi mapigil-pigil ni Rebecca ang iyak ng ina. Alam ni Rebecca na napakasakit na karanasan iyon. At lalo pang mahapdi sapagkat nagtanong siya.

